Wala kayo sa produkto ko

Ang mga Client Beneficiary ng KDCI na lumahok sa nakaraang product showcase bilang bahagi ng Microfinance Week na ginanap sa BSP Assembly Hall noong Nobyembre 26-27, 2013.

Ka.Boses 2013

Ang mga nagwagi sa kauna-unahang Ka.Boses bilang bahagi ng ikalabing isang taong anibersaryo ng KDCI noong Setyembre 27, 2013.

Health is wealth

Ilang mga larawan mula sa isinagawang health training para sa mga Kasagana-Ka Kalusugan Kadet na mga Client Beneficiary din mismo ng KDCI.

Our mission is service

Ilang mga larawan mula sa Medical Mission na isinagawa sa Bocaue Field Office, sa pangunguna ng KDCI at sa tulong ng HealthDev Institute.

Tuesday, January 28, 2014

Kurot Principle

Article and photo from: http://cbnasia.org/home/2013/04/kurot-principle/

Kurot Principle.
You must plan to achieve your goalsAno ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang ‘yon sa kanyang savings.
May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!
May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings.  P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun?  Utang na ‘yun!
Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o utang?
Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.
Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot!  Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…
Pinoy vs. Chinoy Businessman 
May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000.
Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.
So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!
Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!
A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!
Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was able to save P1 million!  So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”
Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.
It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya.  Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!
After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas!
Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!
Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings!  So kurot lang ‘yun!  Nandiyan ka pa ba?
Isang Kahig, Isang Tuka 
Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.
What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!
Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po?  Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.
Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old  na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang  tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.
Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.
Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.
The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands, just as we told you.” 
***the whole article is part of the book "Kontento ka na ba sa kaperahan mo?" written by Vic and Avelynn Garcia.

Tuesday, December 10, 2013

Kasagana-Ka Kiddie Kaloka-Kalokalike (UPDATE)




UPDATE:


Ang mga nagwagi sa nakaraang Kiddie Kalokalike Contest:

1st- Chloe Rain Reyes "Cinderella"
2nd- Chichay "Kathryn Bernardo"
3rd- Yuan Margarette David "Snow White"

Sa lahat ng mga sumali at nagwagi, maraming salamat at congratulations!


Ang iyo bang anak ay mayroong Kalokalike na sikat na artista, public figure o di kaya ay cartoon character?

Siya na nga ang maari mong isali sa Kasagana-Ka Kiddie Kaloka-Kalokalike!

Mechanics:

1.) Isang anak bawat isang empleyado lang ang maaring isali (Kahit mag-asawang empleyado)
2.) Hanggang pitong (7) taong gulang lamang ang pinapayagang sumali.
3.) Pumili ng artista/cartoon character na kalook-alike niya sa hitsura, porma, kilos at pananalita.

Criteria for Judging

1.) K na K (Kalook-alike na Kalook-alike) ---     30%
2.) F na F (Feel na Feel)                              ---     30%
3.) Creativity                                                ---     20%
4.) Audience Impact                                     ---     20%
         TOTAL                                               ---     100%

Kaya naman iready na ang inyong mga anak at isali na sila sa rampa sa darating na Disyembre 13, 2013.

Kitakits!



Monday, December 9, 2013

Isang Araw sa Labing Isang Taon



Simple. Iyan ang salitang maglalarawan kung paano ipinagdiwang ng Kasagana-Ka Development Center, Inc. (KDCI) ang ikalabing-isang taon nitong anibersaryo noong Setyembre 27, 2013 sa DEHHA Club House, Quezon City.

Ang anibersaryo ay sinimulan sa “Kapihan” kasama ang Board of Trustees ng KDCI at ilang representatives mula sa mga partner organization tulad ng Bayan Academy, HealthDev, Violence against Women (VAW), Social Security System (SSS) at iba pa. Sinundan ito ng misa sa pangunguna ni Fr. Ij Chan-Gonzaga, SJ.

Ang programa ay sinimulan ng pagbati mula sa Chief Operating Officer na si Ate Judy, Chief Executive Officer na si Ate Mean at Member of the Board na si Sir Noel Tolentino. Sinundan din ito ng Inspirational Talk ni Fr. Obet Cabrillas na ang binigyang diin ay ang leadership

Sa anibersaryo din ginanap ang kauna-unahang Ka.Boses. Isang kompetisyon kung saan ang mga kalahok ay kakanta na ang kanilang silhouette lamang ang nakikita. Lalabas lamang ang kalahok kapag lahat ng hurado ay tapos ng magbigay ng kanilang mga puntos at ito ay makikita sa pamamagitan ng pagpapailaw ng bumbilya na nasa upuan ng bawat hurado. Pitong empleyado ang nakilahok sa kompetisyong ito. Ang nakakuha ng 3rd place ay ang representative ng East 1 na si Leonard Galarde. Ang nakasungkit naman ng 2nd place ay mula sa Head Office na si June Robin Fernandez. Ang nagkampeon ay mula sa South  na si John Carlo Moina. 

Bahagi na ng pagdiriwang ay ang pagbibigay ng Natatanging Socio-Economic Officer (SO) at Bookkeeper (BK). Para sa taong ito, dalawa ang kinilala bilang Natatanging SO, mula sa Taytay Field Office (FO) na si Sarah Flordeliza at si Jayson Dunghit mula sa Trece Martires FO. Ang kinilala bilang Natatanging BK ay si Criscel Busuego mula sa Novaliches FO.

Para sa taong ito ay mayroong dalawampu’t walo (28) na empleyado ang tumanggap ng Loyalty Award. Dalawampu’t anim (26) ang 5 years in service at dalawa (2) ang 10 years in service.

Ang masasabing highlight ng anibersaryo ay ang 11 items raffle para sa mga empleyado. Bawat isang empleyado ay may tag at doon nila isusulat ang kanilang mga ID number. Mula sa mga tag na iyon ay doon bubunutin ang mananalo. Ang items na napanalunan sa raffle ay ang mga sumusunod: 2 Adidas Bag, 2 Portable FM Radio/MP3 Player, 1 Multimedia Speaker, 1 Samsung E220 phone, 1 Samsung Galaxy Star, 1 Philips DVD Player, 1 Corby Tablet, 1 Canon Digital Camera at para sa Grand Prize ay Samsung Galaxy Tab 7.0.

Ang pagdiriwang ng anibersaryo ay pagkakataon upang muling magkasama-sama ang lahat ng empleyado ng KDCI. Sa taong ito, bagama’t simple ang naging selebrasyon ay paniguradong nag-iwan pa din ito ng marka sa bawat isang empleyado at bawat isang dumalo.

Maligayang ika-labing isang taon, Kasagana-Ka!

Tuesday, September 10, 2013

Ka.Larawan 2013


Isang araw sa Labing Isang taon ng Kasagana-Ka
PHOTO CONTEST


Facebook, Twitter, Instagram, puro sa mga website mo lang ba naipapakita ang iyong mga obra? Kung sa iyong palagay ay may kakaiba kang husay sa pagkuha ng larawan, pagkakataon mo ng ipagmalaki ito sa lahat.

Mechanics:


  • Ang lahat ng empleyado na nasa probationary at regular status ay maaring sumali maliban sa mga nasa HRMDS Department.
  •  Ang larawan ay dapat nagpapakita ng isang sandali/kaganapan sa buhay ng Kasagana-Ka at sa komunidad na ating pinaglilingkuran at nakapaloob sa kasalukuyang tema ng organisasyon na K.I.L.O.S (Kalusugan, Innovation, Leadership, Outreach, SPM)
  • Ang empleyadong kasali ay maaaring magpasa ng 1-2 entries
  • Ang larawan dapat ay orihinal na pagmamay-ari ng empleyadong magpapasa nito, walang watermarks, date stamp at pangalan ng may-ari sa mismong larawan.
  • Ang major editing gamit ang anumang photo enhancement computer programs (Adobe Photoshop, Paint.Net, GIMP etc.) ay HINDI pinahihintulutan, maari lamang itong gamitin para sa mga minor editing (contrast, cropping, sharpening etc.)

Submission of entries:
  • Ang ipapasang larawan ay naka-print sa 8R size at nakalagay sa isang brown envelope. Ang pamagat ng larawan at pangalan ng empleyado ay dapat naka-label sa labas ng envelope.
  • Hanggang dalawang larawan lamang ang maaring ipasa ng isang empleyado.
  • Ang deadline ng submission ay sa ika-16 ng Setyembre, 2013, 5 PM. (Lunes)
Selection of winning entries:
  • Mula sa lahat ng ipinasang larawan ay magkakaroon ng preliminary screening at pipili ng labing-isa (11) na makakasama sa gaganaping photo exhibit sa ikalabing-isang anibersaryo ng Kasagana-Ka sa Setyembre 27, 2013.
  • Ang pagboto ay sa pamamagitan ng paghulog ng smiley, sa kahon na nasa tapat ng bawat larawan.
  • Ang pagpili sa mananalo ay base sa larawan na may pinakamaraming boto sa mismong araw ng photo exhibit.
  • Nararapat lang na ang desisyon sa pagboto ng larawan ay nakapaloob sa ating criteria for judging: 
  1.  Relevance sa tema- Kaugnayan ng larawan sa ating tema na K.I.L.O.S    40%
  2. Creativity and Originality- Ang larawan ay nagpapakita ng kakaibang istilo at pagkamalikhain ng photographer    30%
  3. Technical Aspects- Kalinawan, organisasyon at quality ng larawan.        30%
Kabuuan= 100%

Ang mga mananalo ay magkakamit ng mga sumusunod na gantimpala:


Over-all winner    Php 5000
10 Consolation    Php 1000 each