Monday, December 9, 2013

Isang Araw sa Labing Isang Taon



Simple. Iyan ang salitang maglalarawan kung paano ipinagdiwang ng Kasagana-Ka Development Center, Inc. (KDCI) ang ikalabing-isang taon nitong anibersaryo noong Setyembre 27, 2013 sa DEHHA Club House, Quezon City.

Ang anibersaryo ay sinimulan sa “Kapihan” kasama ang Board of Trustees ng KDCI at ilang representatives mula sa mga partner organization tulad ng Bayan Academy, HealthDev, Violence against Women (VAW), Social Security System (SSS) at iba pa. Sinundan ito ng misa sa pangunguna ni Fr. Ij Chan-Gonzaga, SJ.

Ang programa ay sinimulan ng pagbati mula sa Chief Operating Officer na si Ate Judy, Chief Executive Officer na si Ate Mean at Member of the Board na si Sir Noel Tolentino. Sinundan din ito ng Inspirational Talk ni Fr. Obet Cabrillas na ang binigyang diin ay ang leadership

Sa anibersaryo din ginanap ang kauna-unahang Ka.Boses. Isang kompetisyon kung saan ang mga kalahok ay kakanta na ang kanilang silhouette lamang ang nakikita. Lalabas lamang ang kalahok kapag lahat ng hurado ay tapos ng magbigay ng kanilang mga puntos at ito ay makikita sa pamamagitan ng pagpapailaw ng bumbilya na nasa upuan ng bawat hurado. Pitong empleyado ang nakilahok sa kompetisyong ito. Ang nakakuha ng 3rd place ay ang representative ng East 1 na si Leonard Galarde. Ang nakasungkit naman ng 2nd place ay mula sa Head Office na si June Robin Fernandez. Ang nagkampeon ay mula sa South  na si John Carlo Moina. 

Bahagi na ng pagdiriwang ay ang pagbibigay ng Natatanging Socio-Economic Officer (SO) at Bookkeeper (BK). Para sa taong ito, dalawa ang kinilala bilang Natatanging SO, mula sa Taytay Field Office (FO) na si Sarah Flordeliza at si Jayson Dunghit mula sa Trece Martires FO. Ang kinilala bilang Natatanging BK ay si Criscel Busuego mula sa Novaliches FO.

Para sa taong ito ay mayroong dalawampu’t walo (28) na empleyado ang tumanggap ng Loyalty Award. Dalawampu’t anim (26) ang 5 years in service at dalawa (2) ang 10 years in service.

Ang masasabing highlight ng anibersaryo ay ang 11 items raffle para sa mga empleyado. Bawat isang empleyado ay may tag at doon nila isusulat ang kanilang mga ID number. Mula sa mga tag na iyon ay doon bubunutin ang mananalo. Ang items na napanalunan sa raffle ay ang mga sumusunod: 2 Adidas Bag, 2 Portable FM Radio/MP3 Player, 1 Multimedia Speaker, 1 Samsung E220 phone, 1 Samsung Galaxy Star, 1 Philips DVD Player, 1 Corby Tablet, 1 Canon Digital Camera at para sa Grand Prize ay Samsung Galaxy Tab 7.0.

Ang pagdiriwang ng anibersaryo ay pagkakataon upang muling magkasama-sama ang lahat ng empleyado ng KDCI. Sa taong ito, bagama’t simple ang naging selebrasyon ay paniguradong nag-iwan pa din ito ng marka sa bawat isang empleyado at bawat isang dumalo.

Maligayang ika-labing isang taon, Kasagana-Ka!

0 comments:

Post a Comment