Monday, February 18, 2013

Pagkilos sa 2013

Ni Norman Los Añes

Magplano tayo. Si CEO MeAn Ignacio habang nagpapaliwanag sa Steering Committee at ilang KMBA BOT tungkol sa mga plano ng KDCI operations sa taong 2013. Ang planning session ay naganap noong Oktubre 23-24, 2012 sa Pansol, Calamba City.
Hanggang saan tayo makararating? Hanggang saan tayo dadalhin ng ating pangarap para sa organisasyon? Lahat ng pagbabago ay kailangan ng pagkilos ngunit hindi lahat ng pagkilos ay nagdudulot ng pagbabago.
Sa taong 2013, marami tayong gustong gawin, maraming mga pangarap at maraming mga pagbabago para sa ikabubuti. Kaya kailangan ng pagkilos – tama at kalkuladong pagkilos!
Hindi ka makakakilos kung mahina ang iyong katawan o kung malakas nga ang iyong katawan ngunit ang isip ay pagod, sablay din ang pagkilos. Kailangan ang damdamin at isip ay nagkakasundo para makakilos ng tama. Hindi din makakatulong ang pagkilos na gagawin kung ang espirituwal na bahagi ng pagkatao mo ay naisasantabi.

Kilos... May mabuting bukas para sa masipag... at may diskarte

Sa taong 2013, ang pag-KILOS ng Kasagana-Ka ay nakatuon sa Kalusugan, Innovation, Leadership, Outreach, at SPM Projects:

KALUSUGAN. Sa taong 2013 ay lalong pagbubutihin ang programang pangkalusugan para sa mga CB at empleyado. Ihahanda din ang mga mas epektibong sistema o approach para makatulong sa usaping pangkalusugan ng komunidad. Ang K-Kalusugan ay maaaring tumugon hindi lang sa physical o physiological well-being kundi maging sa kalusugang pang- emotional, psychological at spiritual.
 

INNOVATION. Hindi lang babatakin ang mga empleyado sa kanilang kakayahan kundi hahanapan sila ng malikhaing isipan upang bigyan ng solusyon o lunas ang mga hamon. Aasahan sa 2013 na lalong magiging matalas ang pakiramdam ng mga empleyado para lumikha nang mga makabago at angkop na sistema o polisiya para sa organisasyon.

LEADERSHIP. Ito ang taon nang paghubog sa mga bagong tagapanguna ng Kasagana-Ka. Paglalatag ng mga pagpapahalaga (values) ng isang leader sa loob ng Kasagana-Ka mula CBs hanggang sa BOT. Paghahanap at pagpili (succession planning) ng mga susunod na unit leaders sa darating na 3-5 taon.
 

OUTREACH. Sa 2013 ay tuloy-tuloy ang pagbubukas ng mga bagong FO. Ang area ay mahahati sa apat: East, North, South at Central. Ilalatag nang malinaw ang retention strategy para sa mga CB at pag-aaralang mabuti ang drop-out data.
 

SPM Projects. Upang patibayin pa ang prinsipyo ng pagtulong sa maralita ay magsasagawa ang bawat FO ng community-based projects. Sa 2013 ay gagamitin na ng bawat FO ang PPI at ang mga datos nito ay isasaalang-alang sa mga susunod na pagpaplano.

0 comments:

Post a Comment