Thursday, February 14, 2013

Maging Malikhain

Ni Angelica Felimer
Masdan mo ang mga bata. Ayon kay Grace McGartland, ang pagiging creative ay nagsisimula sa pagkabata.
Ang bawat trabaho ay may kaakibat na responsibilidad at obligasyon. Dahil ang pagbabago ay hindi mapipigilan kaya lahat ay nakikitaan ng kani-kaniyang kakayahan. Isa na dito ang pagiging malikhain ng isang tao dahil sa kanyang malawak na pag-iisip.
Ayon kay Grace McGartland, may-akda ng isang Thinking Management na libro, ang epektibong paraan para lumawak ang pag-iisip ng isang tao sa kanyang trabaho ay ang pagkakaroon ng malikhaing kapaligiran. Ang pagiging masayahin ay malaking bagay dahil kusang lumalabas ang pagiging malikhain ng isang tao dahil sa magagandang imahinasyon na nasa kanilang isipan.


Ilan sa mga hakbang kung paano maging malikhain ay ang mga sumusunod:


1.    Makihalubilo sa mga taong may malawak na imahinasyon. Sabi nga, ang malawak na imahinasyon ay nagsisimula sa pagkabata dahil marami itong naiisip na gawin kapag sila ay naglalaro ng laruan.

2.    Ano man ang mga hamon para gawin ang isang bagay laging sabihin sa sarili na, “Kaya ko ito.”

3.    Kung problema ang pagiging malikhain, tingnan lagi kung ano ang kayang gawin at magtiwala sa sa sariling kakayahan. Huwag matakot sa sasabihin ng iba.

4.    Maging totoo. Ang pagiging malikhain ay hindi ginagaya ang iba.

5.    Lumabas sa kinakatakutan at gawin kung ano ang magandang maisip at gamitin ang imahinasyon.

Ang pagiging malikhain ay nagpapakita nang pagpapahalaga sa malawak na pag-iisip ng tao. Ito ay hindi nahihinto at mahalaga sa bawat tao dahil sa walang katapusang pagbabago.

0 comments:

Post a Comment