Mga kasama, kayo ba ay may naitatagong galing sa pag-awit? May nakakaakit na tinig?
Baka ikaw na ang maaring mag-uwi ng limang libong piso!
Kung ikaw ay interesado, narito ang mechanics:
Mga paghahanda bago ang kompetisyon:
• Bawat Cluster ay magkakaroon ng isang representative.
• Ang bawat representative ay maghahanda ng isang kanta na dapat ay hindi lalagpas sa 3-4 mins.
• Dapat ay ihanda din ng representative ang audio (minus 1 o instrumentals) para sa kanta niya.
• Kailangang maipasa sa HR ang mga pangalan ng sasali hanggang Sept. 16, 2013 kasama na ang audio (minus 1 o instrumental) para sa kanta niya.
• Mahalagang HINDI malaman ng mga taga-ibang cluster kung sino ang representative ng isang cluster.
Sa araw ng kompetisyon:
• Ang bawat contestant ay magpeperform ng kantang hinanda nila habang nasa likod ng kurtina.
• Pagkatapos ng kanta ng bawat contestant, magbibigay ng score ang 4 hurado.
• Bago ipakita kung sino ang kumanta, kailangang nakapagbigay muna ng score ang lahat ng hurado (rate 1-10, kung saan 10 ang pinakamataas). Ipapakita ang score na binigay ng isa sa mga hurado subalit ang tatlong score ay hindi muna ipapakita.
• Sa pagkakataong may mag-tie, maghahati sa premyo ang mga nag-tie na contestant.
Panahon mo na para magpasikat, let your VOICE be heard! Kitakits sa Setyembre 27, 2013.
0 comments:
Post a Comment